Wednesday, September 4, 2019

Wika Tungo sa Pag-unlad at Pagkakaisa


BUWAN NG WIKA 2019 - Google Search
               Bawat bansa ay may sariling wika, habang may sariling wika ang isang baayan ay taglay niya ang kalayaan”

              Ang pagkakaroon ng pambansang wika ay hindi nagging madali sa atin. Sa kadahilanang dumaan muna ng maraming proseso ang pagtatalaga ng ating sariling Wikang Pambansa ang FILIPINO. “Ang wika ay pag-iisip ng bayan”. Wari’y tunay nga ang aisipang ito bagama’t nagsisilbi itong pambuklod sa ating mga Pilipino tungo sa isang umuunlad at nagkakaisang bansa.

            Sa panahon ngayon ay umiiral na an gating “colonial mentality” kung saan tayp ay mas nahuhumaling sa mga kultura ng ibang bansa at sa kanilang wika. Kung kaya’t ngayong buwan ng Agosto kung saan itinalaga ng Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997 na ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika simula Agosto 1-31. Ang pagdiriwang ngayong taon na ito ay may temang- “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Kung saan binigyang diin ang Wikang Katutubo.

            Sa sarili kung pagkakaunawa ay ang tunguhin natin ngayon na bigyang pagpapahalaga an gating wika hindi lang ang wika nating Filipino ngunit ang ating iba’t ibang wikang katutubo kung saan binubuo ito ng 130 na wika gaya ng Ilokano, Cebuano, Hilagaynon at iba pa.

            Totoong kailangan nating pag-aralan, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating wikang Filipino ngunit hindi lang ito ang mayroon tayo. Mayroon tayong mga iba ring wika na ginagamit din natin sa ating mga probinsya o rehiyon na nagging malaking sangkap para sa ating pag-unlad. Kung kaya’t pahalagahan natin an gating mga wika hindi lang ang wikang Filipino kundi pati ang mga iba pang katutubong wika.

            Ika nga ni Rizal, “Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa an gamy sa malansang isda”. Mahalin ang ating wika at ipamalaki sa iba. Wikang Katutubo at Flipino tungo sa pagkakaisa at ikauunlad ng isang bansang Filipino!

No comments:

Post a Comment

Sayonara

For my four years in junior high school, I am grateful that I chose Ilocos Sur National High School to experience the thing they called...