Friday, November 29, 2019

Pamilya Susi sa Matagumpay na Hinaharap

Related image
     
   Sa buwan ng Nobyembere, ipinagdiwang ng ating paaralan ang Values Month Celebration sa pangunguna ng EsP Club na may temang:" Pamilyang Pilipino Patatagin:Susi sa Paghubog ng Kabataang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa."



        Sa panahon ngayon, hindi natin maipagkakaila na madami na ang mga pamilyang nasa hindi magandang sitwasyon o minsan ay nagkakawatak watak na. Ang pagdiriwang ng Values Month ngayon ay napakahalaga upang ipaalala sa atin ang kahalagahan ng isang matatag na pamilya.

         Sinasabing pamilya ang pinakamaliit na unit ng lipunan. Subalit, bagama't ito ang pinakamaliit, ito ang may pinakamalaking papel sa ating lipunan. Dito naunang natuto ang isang bata, dito nabubuo ang pagkatao ng isang bata. Sa pamilya nahuhubog ng bata ang kaniyang pananampalataya sa Diyos, pagiging mabuting tao, mapag-alaga sa kalikasan at mapagmahal sa bayan sa pamamagitan ng mga itinuturo at pinapakita ng mga magulang at mga kapatid sa isang bata.

            Ngunit paano mabubuo ang isang magandang pagkatao ng isang bata kung ang kaniyang pamilya ay watak watak? Saan sya patutungo? Sino ang gagabay sa kanya tungo sa kabutihan? Ano ang mangyayari sa katagang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kung ang kabataan mismo ay walang pamilyang masasandalan sa paghubog ng kaniyang kataohan?
         

           Kaya't nararapat lang natin na patatagin ang pamilyang Pilipino. Dito mabubuo ang mabuting kabataan na mag-aangat sa atin sa hinaharap. Kabataang magpapalaganap ng kabutihan, pagmamahal  sa kapwa, bayan at sa poong Maykapal. Pamilya susi sa matagumpay na hinaharap .
https://www.gettyimages.com/detail/photo/happy-family-having-fun-outdoor-royalty-free-image/1042447330

No comments:

Post a Comment

Sayonara

For my four years in junior high school, I am grateful that I chose Ilocos Sur National High School to experience the thing they called...