Friday, November 29, 2019

Kabataan Pangalagaan nang Kasiyaha'y Tunay na Maranasan

     


Avoir la joie de vivre - Au'riginalité       Sa buwan na ito ipinagdiwang ang National Children's Month kung saan ang tema nito ay "Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan" kung saan mababasa nga natin sa tema na ang pinagtuonan ng pansin ng pagdiriwang na ito ay ang Karapatang Pambata.

        Sa likod mg pagdiriwang na ito ay ang apat nitong layunanin:
       1. Mabigyan ang bata ng maayos at mas magandang pamumuhay;
       2. Ang bata ay naalagaan ng mabuti, malusog at madaling natututo sa magandang kalidad ng edukasyon;
       3. Ang bata ay ligtas at malayo sa karahasan, pang-aabuso at iba pa;
       4. Ang bata ay aktibong nagpapartisipa sa proseso ng paggawa ng desisyon na nakaaapekto sa  kanilang buhay dahil narin sa umuunlad pang kakayahan.


        Ang kabataan ay dapat natin mahalin at pangalagaan dahil sila ang susunod sa atin na mangangalaga at magapapalago sa ating mundong ginagalawan. Kailangan nilang lumaki ng punong-puno ng pagmamahal, kabutihan at mabuting pag-iisip na kinakailangan aa kanilang paglaki upang magkaroon ng maunlad at nagkakaisang lipunan.

http://auriginalite.com/index.php/2016/04/29/avoir-la-joie-de-vivre/

No comments:

Post a Comment

Sayonara

For my four years in junior high school, I am grateful that I chose Ilocos Sur National High School to experience the thing they called...